Operating hours ng MRT pahahabain

MANILA, Philippines - Upang masolusyunan ang pagdami ng pasahero na inaasahang lalo pang lalala sa pagsisikip na daloy ng trapiko dahil sa sabay-sabay na infras­tructure projects sa Metro Manila ay nakatakdang habaan ng pamunuan ng MRT ang kanilang ope­rating hours.

Ang pagpapalawig ng operating hours ng MRT-3 ay magsisimula umano sa Lunes, Pebrero 24, ngunit nilinaw ng MRT na ito’y test period pa lamang.
Inianunsiyo ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na sa unang dalawang work weeks, sisimulan ng MRT-3 ang kanilang
operasyon ng alas-4:30 ng madaling-araw mula North Avenue Station at mula alas-5:00 ng umaga, mula sa Taft Avenue sa halip na dating alas-5:30 ng umaga.
Simula naman sa Marso 10 ay palalawigin ng MRT-3 ang oras nito ng hanggang alas-10:30 ng gabi mula sa North Avenue station at alas-11:00 naman  ng gabi mula Taft Avenue station.

Ang bagong ope­ra­ting hours ay magtatagal ng isang
buwan upang matukoy kung maganda ang magi­ging epekto nito sa congestion sa transit lines.

 

Show comments