Bakit hindi kinasuhan ni Enrile si Gigi?

MANILA, Philippines - Ito ang naging katanungan ni Senate Majo­rity Leader Alan Peter Ca­yetano  dahil sa kawalan ng aksiyon ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa hindi pagsasampa ng kaso sa kanyang dating chief-of-staff na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes at isa pa nitong staff na si  Jose Evangelista. na sinasabing tumanggap ng kickbacks para sa kanya mula sa pork barrel funds na inilagay umano sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Ibinunyag ni Cayetano na may mga dokumento na nagpapakitang binigyan ng authorization ni Enrile si Reyes upang lumagda sa mga papeles na may kinalaman sa kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Funds (PDAF) at idinawit ng mga testigo sina Reyes at Evangelista na parehong staff ni Enrile sa P10 bilyong pork barrel scam.

Kung patuloy umanong igigiit ni Enrile na wala siyang partisipasyon sa pag-abuso at hindi tamang paggamit ng kanyang PDAF, ang dapat nitong gawin ay kasuhan ang mga dati niyang staff.

Sina Reyes at Evangelista ay pinangalanan ni Ruby Tuason, bagong whistle blower sa pork scam na dawit din umano at tumanggap ng kickbacks para kay Enrile.

Show comments