7 bala ibinaon sa tambay

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na lalaki na walang trabaho ang idineklarang dead- on-arrival matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Rocky Gayo, binata, residente   ng no. 001 Area D, Gate 18, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas- 11:00 ng gabi  nang madis­kubreng naka­handusay ang biktima sa harap ng  Gate 58 sa Parola Compound sa  Binondo.

Ipinabatid sa kapatid na si Rosalyn Gayo ang insidente at pinuntahan ang kapatid na noon ay naghahabol pa ng hininga kaya isinugod sa ospital, subalit namatay din ito.

 

Show comments