Rider sumemplang, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang rider makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo habang papauwi ang biktima mula sa dinaluhang birthday party sa Silang Cavite, kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang nalasog ang katawan at halos mabasag ang bungo nito sanhi ng aksidente ay nakilalang si Jerry Ameng Ruiz, 23 binata, residente ng Brgy. Pulong Saging Silang Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Eric Ambojia may hawak ng kaso, nabatid na dakong alas-2:15 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Brgy. Paligawan Road sa nasabing bayan.

Sinasabing mabilis ang takbo ng motorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol ang biktima sa manibela kaya sumemplang ito sa sementadong kalsada.

Una ang ulo nang mahulog ang biktima sa motorsiklo at naisugod pa sa Velasco Hospital pero hindi na umabot ng buhay.

Napag alaman na galing ang biktima sa birthday party ng kaibigan nito na si John Carlo Alcaraz at nagkaroon ng inuman kaya hinihinalang lasing ito ng maganap ang aksidente.

Show comments