Driver pinag-babaril, tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 35-taong gulang na tricycle driver nang paulanan ng bala ang minamanehong tricycle habang sugatan din ang kasamang misis nito, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay  dakong alas-5:00 ng hapon sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Mohammad Karain alyas “Urak”, Islam na residente ng Vergara  St., Quiapo, Maynila dahil sa tinamong siyam na bala mula sa kalibre .45 baril.

Ginagamot naman sa Ospital ng Sampaloc ang misis ng biktima na si Norcaya Lawanta, 30 na tinamaan ng ligaw na bala sa puwet.

Ligaw na bala rin ang tumama sa paa ng isa pang biktimang si Rudy Raymundo, 32 na ginagamot sa Philippine Orthopedic  Center (POC).

Sa ulat ni SPO2  Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, ang pamamaril ay naganap dakong alas-11:00 ng umaga sa Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Ibinababa pa lang ng biktimang si Karain ang misis mula sa ipinapasadang tricycle at ipaparada sana niya upang kumain sila sa karinderya nang sunod-sunod na paputukan ng hindi pa nakikila­lang salarin.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril dahil takot ang mga saksi sa krimen na magsalita kung sino ang salarin.

 

Show comments