Dahil walang pera: Mister nagbiti

MANILA, Philippines - Dahil sa kawalan ng pera na magagamit sa nalalapit na panganganak ng kanyang live-in partner kaya mi­nabuti ng isang mister na magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Caloocan City kamakalawa  ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Noli Mangalallan, 41, nakatira sa  Rose St., Baesa sa lungsod.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Bautista ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police,  alas-7:00 ng gabi, laking gulat na lamang ni Shiela-May Dela Cruz, live-in partner ni Mangalallan nang makita ang biktima na nakabigti ng electric wire sa loob ng kanilang bahay.

Agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Dela Cruz at mabilis  na kinalas sa pagkakabigti ang biktima subalit, isa na itong  malamig na bangkay.

Sinasabing dalawang beses ng nagtangkang magpakamatay ang biktima noong nakaraang December 2013 dahil sa kakulangan ng pera na pang suporta sa pamilya lalo na sa kinakasama nito na walong buwan buntis.

Ayon sa pulisya, matinding kahirapan sa buhay ang nag-udyok sa biktima kung bakit nito kinitil ang sariling buhay.

Show comments