3 miyembro ng pamilya Ampatuan tiklo sa drug bust

MANILA, Philippines - Labingwalong katao kabilang ang 3 miyembro ng pamilya Ampatuan ang inaresto ng mga ele­mento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa isang drug raid sa Cotabato City kahapon ng umaga.

Ang tatlong Ampa­tuan ay kinilalang sina Nazzer, 57; Abubakar, 50; at Bainot, 51. Habang hindi na pinangalanan ang 15 iba pa.

Batay sa ulat, nahuli ang mga suspek sa isang bahay sa Barangay ­Rosary Heights 6 sa Cotabato.

Show comments