Ulo ng salesman tinadtad ng bala

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 40-an­yos na mister dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo habang ang misis nito ay nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin sa parking lot ng isang fastfood restaurant sa Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Ang nasawi na halos nadurog ang ulo sa dami ng tama ng bala ay kinilalang si Nathaniel Men­dieta, salesman, residente ng Phase 1, Barcelona Subdivision, Brgy. Buhay Na Tubig, Imus City, Cavite. Habang ang misis nitong si Atiane Briz, 27 ay nasugatan dahil sa tama ng bala sa hita.

Batay sa ulat, dakong alas-2:55 ng hapon ay magkasamang nagla­lakad ang mag-asawa sa par­king lot ng McDonald Restaurant kasama ang isang Peewee nang suma­bay ang isang lalaki at pinagbabaril si  Mendieta.

Inubos ng suspek ang bala ng kanyang baril sa ulo ni Mendieta at ang ibang bala ay tumama sa misis nito.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na tatlong araw pa lamang nakalalabas ng kulu­ngan si Mendieta sa kasong estafa.

Narekober ng pulisya sa lugar ng insidente ang dalawang hindi rehistradong motorsiklo na ang isa ay kulay pula Suzuki skydrive at kulay berdeng Euro Motor GTX na nakaparada sa lugar na hinihinalang sa gunman at 28 basyo ng bala.

Show comments