MANILA, Philippines - Hindi umano nasusunod ng mga motorcycle riders ang batas na 60 kilometer per hour ang itinakdang bilis ng isang motorsiklo.
Ito ang inihayag ni Engr. Joel Donato, hepe ng North Motor Vehicle Inspection Service ng LTO alinsunod sa LTO regulation 136.
Matagal na anyang patakaran ang Land Transportation Office (LTO) sa speed limit ng mga motorsiklo.
Ang mga motorsiklo o small bike kung tawagin na may 80 hanggang 150 cc o kilala sa tawag na single motorbike ang pinapayagan ng batas na hanggang 60 kilometer per hour lamang ang pinakamabilis nitong takbo at ang mga lalampas dito ay maaaÂring hulihin ng paglabag sa overspeeding na may P1,200 na multa at drivers seminar sa LTO.
Ang mga big bike naman na may 400 cc pataas ay maaaring tumakbo ng hanggang mula 80 hanggang 100 kilometer per hour.
Ang pagpapatupad ng speed limit sa mga motorcycles ay makakaiwas sa aksidente sa lansangan at paggamit ng riding-in-tandem ng motorsiklo na sobrang bilis magpatakbo oras na gumawa ng krimen.