MANILA, Philippines - Naghain ng 11-pahinang mosyon ang mga militanteng party list group sa Korte Suprema na hinihiling na palawigin pa ang 60-days temporary restraining order laban sa bigtime power rate hike ng Meralco.
Dahil nakatakdang mapaso sa Pebrero 24, 2014 ang 60-araw na TRO na ipinalabas ng Korte Suprema noong Disyembre 23, 2013.
Nakalagay sa mosyon kapag napaso ang TRO at natuloy ang pagsingil ng P4.15 power rate hike ng Meralco ay posible itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produkto.
Kung sakali anya na mapagpasyahan ng Korte Suprema na walang batayan ang power rate hike, ang naging epekto nito sa inflation at pagtataas ng presyo ng bilihin ay hindi maibabalik sa tao.
Maging ang banta ng Meralco na blackout sakaling mapalawig ang TRO ay pinalagan din na ayon naman sa Department of Energy (DOE) ay may sapat na suplay ng kuryente.