MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 46-anyos na mister matapos na mabundol at magulungan pa ng trak kamakalawa sa Taytay, Rizal.
Ang nasawi ay kinilalang si Roger Cancino, residente ng Block 46, Sitio Batasin, Floodway, Barangay San Juan, Taytay.
Ang driver na inaresto ng pulisya ay nakilalang si Jack Elayda, 39, ng 23 West Los Angeles St., California Riverside, San Bartolome, Quezon City.
Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon sa Sitio Batasin, Floodway, Barangay San Juan ay binabagtas ng trak (UWG-159) ang San Juan road nang mawalan ng kontrol sa manibela si Elayda dahil upang mahagip ang biktima na noon ay nakatayo lamang sa gilid ng kalsada.
Nang matumba ang biktima ay nagulungan pa ang ulo at katawan nito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.