MANILA, Philippines - Todas ang lima katao makaraang mahulog sa kanal ang isang pampasaherong jeepney na may sakay ng 33 katao sa bayan ng Baay-Licuan sa probinsiya ng Abra, kamakalawa ng gabi.
Ayon Cordillera Provincial Police Office ng PNP, ganap na alas-6:05 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa nasabing lugar.
Sa inisyal na ulat, nakilala ang mga nasawi na sina Melba Millare, Slomen Colangan, Veronica Tucio, Norren Tugadi, at Dimple Tugadi.
Ang insidente ay nangyari habang binabagtas ng jeepney na may palakang AYG-368 na minamaneho ni Victor Gallotan Pacio 4, ang lugar galing ng Barangay Nalbuan sa Sitio Baquero, patungong Brgy. Mapisla at habang papaliko sa pakurbadang daan ay nagÂloko ang preno nito.
Dahil dito, nawalan ng kontrol sa kanyang sasakÂyan si Pacio ay dumiretso sa isang kanal bago tuluyang bumaligtad.
Nagawa pang maisugod sa ospital ang mga biktima, pero binawian din ng buhay.
Habang ang siyam na sugatan ay dinala naman sa Abra Christian hospital at walo pa ay sa Seares Memorial hospital.