Bisor nahagip, nagulungan ng van

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki matapos na mahagip at magulungan ng van habang nagmomotorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Ronald Ronda, binata, supervisor ng Valley Golf, San Juan, Cainta, Rizal.

Kusang sumuko ang suspek na si Darwin Lagata, 37, binata, driver at residente ng 4 Flores de Mayor St., San Francisco del Monte, QC.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang Honda motorcycle (5751-UN) at binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth nang mahagip ito ng Nissan Urvan UV Express (UVT-847) na minamaneho ni Lagata sa kanto ng Regalado Extension malapit sa Fairview Mall West, Fairview.

Nang bumagsak ang biktima ay nagulungan pa ito ng naturang van.

Ang suspek ay kasalukuyang  nakapiit at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

 

Show comments