MANILA, Philippines - Nahadlangan ng mga otoridad ang planong pagpatay ng isang notorious hired killer ng drug syndicate sa bago nitong target matapos itong mapatay nang makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Jose. Navotas City.
Ang suspek na nasawi ay kinilalang si Russel Datuon, 28, ng Bagong Silang, nasabing barangay sanhi ng mga tama ng bala ng 9mm pistol sa katawan.
Sa imbestigasyon, alas-3:30 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang barilan sa kahabaan ng Governor Pascual St.
Nabatid na si Datuon ay isa umanong notoÂrious hired killer na kasapi ng Lando Group Drug Syndicate (LGDS) na responsable sa pamamaril at paglikida sa ilang barangay tanod at negosyante.
Nang makakalap ng ulat ang mga otoridad na muling may ipapalikida ang Lando group sa suspek ay agad silang bumuo ng joint team operation laban dito.
Naispatan ang suspek na sakay ng SYM na motorsiklo na walang plaka kaya’t pinahinto ito, suÂbalit sa halip na tumigil ay pinagbabaril nito ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis na agad nasapol ng bala ang suspek na agaran nitong ikinasawi.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 baril at mga bala at lumalabas sa record ng pulisya na sangkot sa serye ng mga patayan sa nasabing lugar ang suspek.