Face off nina Vhong, Cedric at Deniece sa V-Day

MANILA, Philippines - Nakatakdang mag­harap sina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, Cedric Lee at anim na iba pa sa Valentines Day sa Department of Justice para sa preliminary investigation.

Tiniyak naman ng kampo ni Navarro na handa na ito sa nasabing petsa dahil sa  unti-unti nitong pagrerekober sa  pambubugbog sa kaniya ng grupo ni Lee noong Enero 22 ng gabi sa condominium unit ni Cornejo.

Sinabi ni Atty. Alma Mallonga, isa sa abogado ni Navarro, tanging sa mata at ilong na lamang ang seryosong sugat na iniinda ngayon ng kaniyang kliyente habang patuloy pang nagpapagamot sa ospital.

Bukod kay Navarro ay pinadalhan na rin ng DOJ panel of prosecutors ng subpoena ang kampo nina Cornejo, Lee, Berniece Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at iba pang respondent sa kaso.

Show comments