MANILA, Philippines - Nadakip kamakalawa ng pulisya sa Tuguegarao City, Cagayan ang suspek na si Danilo Rafael Sr., 55 na bumaril at pumatay sa kanyang mag-ina na ang bangkay ay kanyang inilagay sa trunk ng kanilang kotse at pagkatapos ay iniwan sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City noong
Sabado ng madaling-araw.
Inamin ng suspek na pinatay niya ang misis na si Fe, 54 at anak na si Danilo Jr., 18, noong Biyernes ng gabi sa kanilang bahay sa Maragondon, Cavite.
Sa isang follow-up operation ay natunton ng mga pulis si Danilo Sr., na nagtatago sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan noong Martes ng hapon at nakumpiska ang isang caliber .45 at
siyam na bala na siyang ginamit umano nito sa pagpatay sa kanyang mag-ina.
Ayon sa suspek na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng matinding galit at selos, dahil nakabasa siya ng text message sa cellphone ng kanyang misis mula sa lalaking pinagseselosan
niya at nang kanyang usisain, agad aniya siyang pinagsusuntok nito.
Hindi niya plinano ang pagpatay sa kanyang
mag-ina at self-defense lamang ang nangyari dahil habang nag-aaway silang mag-asawa, kumuha umano ng kutsilyo si Danilo Jr. at tangkang
sasaksakin siya nito.
Kaya’t kinuha niya ang kanyang baril at ipinutok sa anak bago isinunod ang misis at nataranta umano siya nang makitang duguan at nangingisay
ang mag-ina kung kaya kumuha siya ng unan at itinapat sa ulo ng anak saka muling binaril hanggang mamatay.
Pagkatapos ng ginawa niyang pagpatay sa kanyang mag-ina sa, inilagay niya ang mga ito sa compartment
ng kanilang sasakyan at dinala ang mga ito sa haÂrapan ng bahay ng mga magulang ng kanyang misis sa Timothy St., Multinational
Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Walang kaanak o kakilala si Danilo Sr., nang mapadpad siya ng naturang lalawigan matapos itong sumakay ng bus at isang impormate ang nagnguso na nagtatago ito sa naturang lugar kaya’t kaagad na nagsagawa ng pag-aresto.