Mister dinedma ang misis na nagyayang magsimba, naglason

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na nairita ang isang 21-anyos na misis sa kanyang  mister na tumangging magsimba kaya’t sa inis nito ay nagawa niyang uminom ng silver cleaner naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Janet Brinag, 2, ng Mauban St., Brgy. Manresa ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pag-inom ng silver cleaner ng biktima dakong alas-4:00 ng hapon ay pinuntahan nito ang mister na si Deomer Perocho sa basketball court at niyayang magsimba.

Subalit, kahit anong pakiusap ng biktima ay dinedma lang ito ng mister at patuloy sa paglalaro ng basketball.

Sa inis ng biktima ay nagpasya na lang itong umuwi ng bahay at dito ay uminom ng silver cleaner.

Isinugod ang biktima sa Sta. Teresita Hospital ngunit makalipas ang alas-5:30 ng hapon ay nasawi rin ito.

Hindi na ipinaotopsiya ng mga kaanak ang bangkay ng biktima.

Show comments