Binata binoga sa mukha

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 22-anyos na lalaki matapos na barilin sa mukha ng hindi pa kilalang suspek habang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Nardito Anavel Jr., ng Bolante 1 Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang makarinig ng putok ng baril ang kuya ng biktima na si Marlon Anavel.

Kaagad itong lumabas ng bahay at nakita ang kapatid na duguan ang mukha kaya’t mabilis niya itong dinala sa Pasig City General Hospital (PCGH) ngunit patay na ito. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Show comments