Dating NBI chief Epimaco Velasco, pumanaw na

MANILA, Philippines - Namatay sa edad na 79 si dating National Bureau of Investigation (NBI) chief Epimaco Velasco.

Ayon sa pamilya, si Velasco ay isinugod sa Divine Grace Hospital sa General Trias, Cavite noong Linggo dahil sa heart attack at namatay ito kahapon ng alas-8:00 ng umaga.

Si Velasco ay naging kalihim din ng Department of Interior and Local Government at Cavite governor at ang kanyang buhay ay naisapelikula nang madakip niya noong siya ay NBI agent pa ang most wanted ng Cavite na si Leonardo Manecio alyas Nardong Putik.

Siya ay ama ni dating Cavite Prosecutor Chief Manny Velasco na pumanaw din noong Mayo 20, 2013 dahil din sa atake sa puso.

 

Show comments