Lolo nahulog sa niyog, tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 80-anyos na lolo nang mahulog sa puno ng niyog makaraang aksidenteng makuryente  na naganap sa Brgy. Depase, Bayog, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Gaudencio Pugoy, residente ng nasabing lugar na  agad binawian ng buhay.

Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga.

Kasalukuyang nasa itaas ng puno ng niyog ang matanda na nagpuputol ng mga sanga nang aksidenteng sumayad sa live wire ang isa sa mga pinutol na sanga kaya ito nakuryente, nahulog at agad na  nasawi.

 

Show comments