MANILA, Philippines - Pinaboran ng Court of Appeals ang naunang desisyon na mababang korte na masuspinde ng 30 araw ang isang pulis opisyal ng Manila Police District na inireklamo ng isang PO2 na kanyang pinagmumura nito.
Ibinasura ng CA ang inihaing motion for reconsideration ni MPD- Station 8 Commander Supt. Ferdinand Quirante dahil sa kawalan ng merito kaugnay sa pagmumura nito kay PO2 Erwin
Payumo ng Police Community Precinct-Bacood nangyari noong 2005.
Paliwanag ng CA, wala nang bagong argumento na ipinrisinta si Quirante
uÂpang mabago pa ang naunang desisyon sa kaso.
Batay sa record noong Oktubre 2, 2005 nang itulak, pagmumurahin, pagalitan at sapilitang
bawian ng baril si PO2 Payumo ni Quirante dahil lamang sa nakalimutang dalhin ang flashlight habang nasa surprise checkpoint sa bahagi ng Sta. Mesa.