P1.6-M natangay ng ‘Dugo-dugo’ gang

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1.6 milyon na halaga ng pera at alahas ang natangay sa isang ginang matapos mabiktima ng modus operandi ang kanyang menor-de-edad na anak ng isang miyembro ng “Dugo-dugo” gang sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Marissa Cathelineau, 53, at kanyang menor-de-edad na anak.

Hindi pa kilala ang babaing suspek na may katabaan at mahaba ang buhok.

Sa salaysay ng ginang sa pulisya, bago nangyari ang panloloko sa kanilang mag-ina dakong ala-1:00 ng hapon sa isang mall sa Fairview ay lumabas siya ng bahay at iniwan ang menor-de-edad na anak.

Pag-alis ng ginang ay nakatanggap ng tawag ang anak nitong menor-de-edad sa telepono at nagsabi ang suspek na ang nanay nito ay nasangkot sa isang vehicular accident at nangangailangan ng pera na pambayad at sinabi na dalhin din nito ang mga alahas.

Agad na kinuha ng anak ang alahas ng kanyang nanay gaya ng diamond ring, Italian gold bracelet, 10 gold pendants, gold earrings, at cash na nagkakahalaga ng P15,000, at iba pa.

Dinala niya ang mga ito sa bus stop na tulad ng usapan na katabi ng mall na kung saan ay sinalubong ng suspek ang anak ng ginang at kinuha ang dala at mabilis na umalis.

Doon lamang nalaman ng bata na naloko siya nang pagdating niya sa bahay ay nandoon ang kanyang nanay.

Show comments