3 kuliglig driver, sinalvage

Iniimbestigahan ng mga pulis ang tatlong kuliglig driver matapos na itumba ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa madilim na bahagi ng P. Burgos St., malapit sa lumang gusali ng Senado at Lagusnilad kahapon ng madaling-araw. -Bening Batuigas-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang tatlong driver ng kuliglig matapos na matagpuan ang bangkay ng mga ito sa loob ng isang kuliglig na pinapasada ng isa sa kanila kahapon ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng P. Burgos St., malapit sa National Museum, Ermita, Maynila.

Ang mga biktima ay kinilala lamang sa mga alyas na “Michael Kabayo”; “Baby Mata” at “Toto”.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang makarinig ng sunod-sunod na putok ang barker ng jeep na si Reynaldo Luba at nang puntahan nito ang pinanggalingan ng putok ay nakita niya ang tatlong biktima sa loob ng nakaparadang kuliglig na (motorized pedicab) na may plakang HL 4036.

Ayon pa kay Lupa na ang mga biktima ay kilala niyang mga pumapasada ng kulig-lig sa bahagi ng Escolta at nagtataka ito kung bakit napunta sa madilim na bahagi ng P. Burgos.

Natagpuan sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang 11 basyo ng bala mula sa kalibre 45 at 9MM pistola. -Trainee-Annadian Rivera-

 

Show comments