MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ang 21-anyos na helper ng kaniyang kumpare habang nag-iinuman sa isang binyagan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay kinilalang si Dominic Eguie, binata, residente ng no. 65 JV Paz Compound, Rawis St., Tondo.
Tumakas naman ang suspek na si Julito Gamana, kumpare ng biktima, at kapatid nitong si Ramon Gamana, kapwa residente ng Clariben Compound, Tondo.
Sa ulat ng pulisya bago ang insidente ay kinuhang kumpare sa binyagan ang biktima at suspek para maging ninong ng 1-anyos na anak ng isang Wilfredo Martinez.
Nagkaroon nang inuman hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at magkapatid na suspek dakong alas-5:45 ng hapon sa JV Paz Compound, Rawis St., Tondo.
Dito ay sinulsulan pa umano ni Ramon si Julito na saksakin ang biktima na narinig ng mga kainuman sa pagsasabing “Tirahin mo na Julâ€.
Tumayo sa kinauupuan si Julito at niyakap ang biktima at inundayan ng mga saksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas silang magkapatid.