MANILA, Philippines - Matapos na pasukin ng notoryus na sindikato ng Sinaloa Mexican drug cartel ang Pilipinas ay naalarma kahapon ang delegasyon ng Amerika.
Sa pagbisita sa Camp Crame ay ibinulgar ni ret. Lt. Eric Quema, consultant sa San Francisco Police Department sa Estados Unidos na hindi lamang basta sindikato ng droga ang Sinaloa Mexican drug cartel kundi mga berdugo rin ang mga ito.
Sangkot ang mga ito pamumugot ng ulo ang nasabing drug syndicates sa mga opisyal ng gobyerno sa Mexico na nagiÂging balakid sa kanilang talamak na operasyon ng droga.
Sinabi ni Quema, pinuno ng miyembro ng Filipino-American Law Enforcement Officers Association na bumisita sa PNP Headquarters sa Camp Crame na handa silang makipagpalitan ng impormasyon sa pambansang pulisya para sa ikasusupil ng Mexican drug cartels.
Inihayag ni Quema na nabatid niya na may presensya ang Mexican drug cartels sa Pilipinas matapos ang isinagawang raid ng mga otoridad sa Lipa City, Batangas noong Disyembre 24, 2013 kung saan tatlong miyembro ng sindikato ang naaresto at nakasamsam din ng mahigit P 400M halaga ng illegal na droga sa raid sa isang rancho sa nasabing lungsod.