MANILA, Philippines - Tiniyak ni Senate President Franklin Drilon na nasa top agenda ng Senado ang pagpasa sa Freedom on Information (FOI) bill gayundin ang mga anti-corruption at economic bills sa pagpapatuloy ng sesyon nito.
Ikinagalak naman ni Sen. Grace Poe ang paniniguro ni Drilon at umaasa siyang maipapasa ito sa 1st quarter ng taon, tulad ng kanilang Pangako.
Sinabi ni Sen. Drilon na nanatiling “deeply committed†ang mataas na kapulungan ng Kongreso sa pagsusulong ng mga panukalang batas laban sa anumang uri ng katiwalian sa gobyerno.
Maliban dito, puspusan na rin aniya ang kanilang pagtalakay sa nakabinbing Senate Bill No. 470, na layong magpatupad nang malawakang reporma sa kasalukuyang Sandiganbayan Law at mapabilis ang pagresolba sa mga nakabinbing kaso sa anti-graft court.
“We have been also striving toward the immediate passage of Senate Bill No. 2043, which will establish the Maritime Industry Authority (Marina) as the sole administrative agency responsible for the implementation of the International Convention of the Standards of Training, Certification, and Watch keeping of the country seafarers. The measure would allow us to avoid a European Union ban that could possibly capsize the local maritime industry,†pahayag ni Drilon.
Una nang sinabi ng pangulo ng Senado na bahagi lamang ito ng kanilang pagsisikap na maibalik ang magandang imahe ng kapulungan kasunod ng kaliwaÂÂt-kanang kontrobersiyang kinakaharap, na siyang dahilan ng mababa nitong rating sa survey.
Nauunawaan umano ni Drilon ang pagbaba ng kanilang grado, subalit naniniwala siya na ang pananaw na ito ay panandalian lamang.