Hinalay ng kapitbahay… paslit tinarakan sa leeg

MANILA, Philippines - Brutal ang naging kamatayan ng isang 4-anyos na batang babae na hinalay muna bago tarakan ng matulis na kahoy sa leeg ng 19-anyos na kapitbahay na isang adik na naganap kamakalawa sa Brgy. Motorpool, Tubod, Surigao del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Kimberly Fidelis Kimbo, residente ng Sitio Pingaping, Brgy. Motorpool, Tubod, Surigao del Norte.

Agad din naaresto ang suspek na si Joel Hardinel, kapitbahay ng pamilya ng biktima sa kanilang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nakita ng mga residente sa lugar ang biktima na akay-akay at nilalaro ng suspek dakong alas-8:00 ng umaga noong Martes.

Pagkalipas ng limang oras, dakong ala-1:00 ng hapon ay natagpuan ang bata sa madamo at magubat na bahagi ng nasabing barangay na hubo’t hubad at duguan ang ari.

Tadtad din ng mga pasa at  malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ang pinakagrabe ay ang malaking sugat sa leeg nito at narekober sa crime scene ng nagrespondeng mga pulis ang matulis na kahoy na hinihinalang ginamit sa pagsaksak sa leeg.

Sa tabi ng bangkay ay nakita rin ang duguang kahoy na hinihinalang ipinanghampas ng suspek sa biktima.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at naaresto ang suspek na wala sa katinuan at nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments