Programmer utas sa tripper

MANILA, Philippines - “Hindi ko siya kaaway nakursunadahan ko lang siyang saksakin”.

Ito ang inihayag ng na­arestong suspek na si Freddie Cruz, 23, alyas “Chad-Chad” at kalugar ng
bik­tima na nakilalang si Joe Marie Pagdato, 44, computer programmer ng #26 Rosario Village, Brgy. Rosario sa lungsod matapos na saksakin sa leeg at dibdib.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima nang lapitan ito ng suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.

Isang Ridgeway Ra­velo ang nakakita at unang­ dinala sa Alfonso Hospital ang biktima bago inilipat sa Pasig City General Hospital (PCGH) ngunit binawian din ng buhay.

Ang suspek naman ay naaresto sa isang follow-up operation at kinasuhan na ng pulisya.

 

Show comments