MANILA, Philippines - Paiiralin ng mga security guard na magbabantay sa gate ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang “no ID, no entry policy†kahit na ito ay mga matataas na opisyal.
Ito ang direktiba ni PNP Chief P/Director Alan Purisima sa mga propesyunal at hasang–hasa sa training na mga guwardiyang magmamando sa mga gate ng punong himpilan ng pambansang pulisya.
Ayon pa kay Purisima na hindi lamang mga heneral kundi lahat ng mga PNP personnel ay kailangang sumunod sa polisiya kung hindi ng mga ito nais na maharap sa kaparusahang administratibo.
Ayon pa sa PNP ay isinasapinal na ang mga proseso para sa public bidding ng kontrata sa mga security guards.
Nilinaw naman ng opisÂyal na ang mga security guards ay isusuperbisa ng isang aktibong PNP officer habang isinasagawa ang kanilang duty sa pagbabantay sa mga gate ng Camp Crame.