Junkshop owner binaril nang walang dahilan

MANILA, Philippines - Binaril ng walang kadahilanan ang isang 50-anyos na junkshop owner ng dalawang lalaki habang pinangangasiwaan ang kanyang negos-yo kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ay kinilalang si Dean Martin ng Sitio 6, Barangay Catmon ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng umaga ay abala ang biktima sa loob ng kanyang junkshop na matatagpuan sa M.H. Del Pilar St., nang dumating ang dalawang lalaki na  sakay ng motorsiklong walang plaka.

Isa dito ay nagbunot ng baril at ilang ulit pinaputukan ang biktima at nang matiyak na patay na ay agad na nagsitakas ang mga suspek.

 

Show comments