Bunkhouses tapos ngayong Enero – DPWH

MANILA, Philippines - Ngayong buwan ng Enero ang target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ang pagtatayo ng bunkhouses ng Yolanda victims.

Ito ang inihayag ni Public Works Sec. Ro-gelio Singson at nasa 130 na ang natapos at tiwala itong makokompleto ang lahat ng units sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Makakaasa anya ang mga titira sa mga bunkhouses na mas magi-ging komportable sila kumpara sa mga tolda o emergency shelters.

Bagama’t tiniyak ni Singson na walang overpricing at hindi substandard ang mga materyales ay tila hinahanapan siya ng butas ng kanyang mga kritiko na ayaw naman niyang patulan at hinikayat ang mga ito na suriin ang mga itinata-yong bunkhouses.

Show comments