MANILA, Philippines - Naging matagumÂpay ang kauna-unahang Santa Fun Run sa Pasay City na nakapagpadala ng malaÂking halaga ng relief goods, laruan at damit sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Sinabi ni Mayor Antonino Calixto na ang naturang fun run na tinaguriang “Santa Run PhilipÂpines: Be a Santa for the Orphans of Yolanda†ay kauna-unahan na sa halip na pera ang registration fee ay tinatanggap ang anumang uri ng relief goods, damit, at laruan para sa mga batang biktima ng bagyo sa Samar at Leyte.
Umabot sa 4,500 runners na nakasuot ng Santa Hat ang nakiisa sa fun run na ginanap noong Disyembre 14 sa Cuneta Astrodome grounds at Roxas Blvd., Pasay City na bahagi ng ika-150 founding anniversary ng lungsod ng Pasay.
Tumakbo ang mga ito sa 10K, 5K, 3K, 1K events, at Santa sprint para sa mga bata.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga tumulong sa fun run sa pangunguna ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pa na kung saan ay naipadala na sa Tacloban ang mga naipong relief goods at donasyon buhat sa Santa Run.