MANILA, Philippines - Mahigit sa 1,000 deboto ng Itim na Nazareno ang natumba sa sobrang hilo habang ang iba ay nasugatan sa prusisÂyon kahapon na dinaluhan ng may 3 milyon deboto.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na as of 2p.m. ay nasa 879 pasyente ang nabigyan ng paunang lunas matapos ang ilang deboto ay nahilo, nasugatan, tinamaan ng high blood pressure, at nabalian.
Sa ulat naman ng Philippine Red Cross na nasa 615 ang kanilang nabigyan ng first aid as of 2 p.m.
Sinabi ng PRC na sa 615 pasyente ay 359 ay nagkaroon ng minor injuries, 252 ay tinamaan ng high blood pressure na kung saan ang apat ay dinala sa ospital.
Nabatid na maagang nagsimula ang Traslacion o prusisyon ng poon ng Itim na Nazareno dakong alas-7:35 ng umaga para ibalik sa Quiapo Church matapos ang isang misa sa Quirino Grandstand na pinangunahan ni Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle.
Halos hindi maÂkausad ang andas na kinalalagyan ng imahe ng Poon dahil sa dami ng mga debotong nagsisiksikan upang makalapit para makahalik at maipunas ang kanilang bitbit na mga tuwalya sa Poon.
Ang paglilipat lamang sa Poon mula sa Grandstand paakyat sa andas ay inabot ng kalahating oras dahil sa balyahan at tulakan ng mga deboto.
Habang patungo sa Quiapo Church, nagkaroon ng ‘tug of war’ ang mga deboto kung saan ang isang grupo ay nagnanais na maidaan pa rin sa McArthur bridge ang imahe habang ang isang grupo ay nais na idaan sa napagplanuhang ruta na Jones bridge.
Una nang inalis ng mga deboto ang container van na hinarang sa McArthur bridge na peligrong dulot dahil marupok na ang pundasyon kaya binago ang ruta at sa Jones bridge dinaan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa naipapasok sa Quiapo Church ang imahe..