Wanted na ex-cop nadakip

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang isang nadismis na pulis na wanted sa serye ng robbery/holdup sa isinagawang raid sa pinagtataguan nito sa kabundukan ng Brgy. Udia, Cavinti, Laguna kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si dating SPO2 Roelito Rojas, nakatalaga sa Southern Tagalog Region, residente ng Lucena City na nadismis sa serbisyo dahilan sa irregularidad.

Batay sa ulat, bandang ala-1:20 ng hapon nang matunton ng mga operatiba ng Cavinti Police ang pinagtataguan ng suspek sa isang kubo sa Brgy. Udia sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Cavinti matapos na ilang residente ang magreport ng indiscriminate fi­ring na kinasangkutan ni Rojas sa bahagi ng nasabing kabundukan.

Show comments