MANILA, Philippines - Isang Koreano ang inaresto matapos na mahuli na isinilid nito ang dalawang iPhone 5s sa SM City sa Brgy. Mabolo, Cebu City kamakalawa.
Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Moon Yun Su, 23, pansamantalang nanunuluyan sa #310 City Escape Hotel na matatagpuan sa F. Cabahug St., Brgy. Casambagan ng lungsod na ito matapos makunan ng CCTV na nag-shoplift ng iPhone 5s na nagkakahalaga ng P 71,980.00 sa iStore sa ikalawang palapag ng SM City mall sa nasabing lugar.
Nabatid na matapos na ibulsa ang dalawang mamahaling cellphone ay nagmamadali na lumisan ang suspek, gayunman lingid sa kaalaman ay napansin ng mga nagmamanmang staff ng tindahan na agad itinimbre sa security na humabol at umaresto sa nasabing Koreano.