MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P4 milyong halaga ng salapi at mamahaling cellphones ang natangay sa mag-asawang Tsinoy ng isang grupo ng lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng Bureau of Customs sa Pasay City.
Ang mag-asawa na nagharap ng reklamo sa Pasay City Police ay kinilalang sina Evan at Lovely Choi, 33-anyos, kapwa ng no. 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City.
Ayon sa mag-asawa,unang kinontak sila ng isang Leah Larayna na papakyaw ng mga bagong cellular phones at itinakda ang pagkikita nila sa may SM Residence CondomiÂnium sa Pres. Macapagal Boulevard Linggo ng gabi.
Nagtungo ang mag-asawa dakong alas-6:00 ng sa lugar ngunit sa halip na si Leah ay ang nagpakilalang mister nito ang humarap sa kanila.
Nang makita ang dalang mga iPhone 5s, sinabihan sila na maghintay at kukunin ang perang pambayad sa sasakyan.
Ngunit nang bumalik, kasama na nito ang tatlo pang lalaki na nagpakilaÂlang mga tauhan ng Bureau of Customs at inakusahan silang mga “smuggler†at sapilitang tinangay ng mga salarin ang dala nilang tatlong bag na naglalaman ng 80-pirasong bagong iPhones 5S, P300,000 cash at dalawang ATM cards.
Nagawa naman umaÂnong makatakbo ni Evan habang naiwan si Lovely na isinakay pa sa isang Isuzu Altera na may conduction sticker na KD 1493.
Habang binabagtas ang Coastal Road, hiningan siya ng mga salarin ng kalahating milyon para hindi siya masampahan ng kaso ngunit nang magmakaawa siya at sabihin na walang pera, napilitang ibaba ang ginang sa may Las Piñas City.