Brgy. Tserman utas sa rider

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang ba­rangay chairman nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo sa harap ng isang sabungan kamakalawa sa Brgy. Halang, Calamba City, Laguna.

Ang nasawi ay ki­ni­la­lang si Dante Perez, nasa hustong gulang, may-asawa, chairman ng Brgy. Kamaligan ng lungsod.

Natukoy naman ang suspek na si Ronaldo Hedreydia, ng Brgy. Cuyab, San Pedro City ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon habang pasakay ang biktima sa kanyang SUV na nakaparada sa parking area ng sabungan ay biglang sumulpot ang suspek na lulan ng Yamaha Mio motorcycle na walang plaka at agad pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Lecheria ng lungsod na ngayo’y pakay ng manhunt operations ng mga otoridad.

Natukoy ang suspek matapos itong ituro ng parking boy na nakasaksi sa krimen at isang ginang na nagkataong nasa lugar.

 

Show comments