MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng pamilya ng dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na suportado umano ng simbahan at ibat-ibang religious leader ang napapabalitang pag-aalyansa ng tatlong dating pangulo ng bansa laban sa admiÂnistrasyong Aquino na unang napabalita na ‘Triple X’.
Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, inamin ni Atty Topacio, ang isinusulong na pagsasama-sama nina Mrs Arroyo, dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating Pangulong Joseph Estrada.
Gayunman, nilinaw ni Topacio na ito ay batay lamang sa pag-uusap ng kanyang mga common friend ng ‘Triple X’. Wala pang katiyakan ang mga plano.
“Yung isa ay hindi politician kundi businessman, miyembro ng 50-man Constitutional Commission at bata pa, yung isa naman ay dating miyembro ng Gabinete at graduate ng Ateneo de Manila Universityâ€, sabi ni Topacio.
Nabatid din kay Topacio na may mga religious leader gaya ng mga obispo ng Catholic Church at Iglesia ni Cristo ang sumusuporta umano sa naturang plano.
Tumanggi naman si Topacio na tukuyin kung sinu-sino ang mga naturang maiimpluwensiyang personalidad na kapwa malalapit kina FVR, Estrada at GMA.
Kulang na kulang umano sa pagpupursige o pagiging decisive ang kasalukuyang administrasyon kumpara sa tatlong dating punong ehekutibo.
Matatandaang kumalat ang isyu sa ‘Triple X’ matapos na bisitahin ni dating Pangulong Estrada at FVR si Gng. Arroyo na nasa ilalim ng hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.