Obrero huli sa akto nang panghahalay sa 6-anyos

MANILA, Philippines - Huling-huli ng isang ama ang isang 18-anyos  na construction worker sa aktong ginagahasa ang kanyang 6-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa kahapon ng umaga sa Navotas City.

Ang suspek na nakakulong na sa Navotas City Police at kinasuhan ng  statutory rape ay kinilalang si Mark Afin, ng Ligtasan, Antipolo City.

Sa salaysay ng ama ng biktima na itinago sa pangalang Liza, dakong alas-7:30 ng umaga ay pauwi siya sa bahay nang makita nito sa akto na ginagahasa ang kanyang anak kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga tanod at naaresto ang suspek.

 

Show comments