27 sugatan sa bumaliktad na sasakyan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 27 pasa­hero nang aksidenteng bumaliktad ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ng highway ng Dao-angan, Balbalan, Kalinga kamakalawa.

 Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Teresita Baawa, 63; James Zyver Gangngab, 2; Richard Cosidon, 3; Antonio Condaya, 76; Leah Banson, 25; Consoria Manadao, 56; Brynel Baguiyon, 10; Balitnag Baawa, 9; Maricel Battig, 18; Wanasaon Zenny Dona-al,19; Joan Balicao, 12; Torres Leo Buslig, 22; Christine Ba­ngan, 17;  Anarie Gangngab, Roy A­langgui, 2; Jaymar Balcanao at 11 iba.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas ang  pampasaherong Ford (WRR-535 ) na minamaneho ni Francisco Cassid Guma-ad Jr., 32 anyos ng Balbalan, Kalinga nang mawalan ito ng kontrol sa manibela matapos na masiraan ng makina.

Tuluy-tuloy na bumaliktad sa kanang bahagi ng highway ang nasabing behikulo na ikinasugat ng mga sakay nito.

Show comments