Magtiyahin dedo sa duwelo

MANILA, Philippines - Isang ginang at pamangkin ang kapwa nasawi nang sila ay magduwelo dahil sa alitan sa lupa kamakalawa sa Bansalan, Davao del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Esterlita Tumunas, 44, ng Brgy. Manage  at Jeffrey Lantingan Tumunas, 23, residente ng bayan ng Sta. Cruz.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang magduwelo ang magtiyahin na kapwa armado ng itak.

Galit na sinugod ni Jeffrey ang bahay ng tiyahin at kinompronta ito sa karapatan sa pag-aari sa pinag-aagawang lupain ng kanilang pamilya.

Hindi nagkasundo ang magtiyahin at nagkasundong tapusin na ang problema sa pamamagitan ng duwelo ng itak at nagtagaan na kapwa nila ikinasawi.

Show comments