MANILA, Philippines - Napatay sa sagupaan ang 9 rebeldeng Muslim na pawang miÂyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang sumiklab ang serye ng bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno sa Marshland sa pagitan ng hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.
Sinabi ni Captain Anthony Bulao, Civil Military Operations Officer ng Army’s 602nd Infantry Brigade, dakong alas-7:30 ng umaga noong EÂnero 1 nang makasagupa ng tropa ng mga sundalo ang hindi madeterminang bilang ng BIFF sa Paidu Pulangui River sa Brgy. Pulangui na matatagpuan sa hangganan ng dalawang lalawigan at dito ay nagkabakbakan na ikinasawi ng dalawang BIFF at ikinasugat din ng isang miyembro ng Special Forces (SF) ng Philippine Army.
Nasundan ang bakbakan kinabukasan na nagsimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Brgy. Kolambugan na malapit sa Malitubog-Marigagao (MALMAR) ang P6 bilÂyong proyekto ng National Irrigation Administration (NIA) ng pamahalaan na ikinasawi ng 7 pang rebeldeng Muslim.
Nabatid na ang NIA at ang kontraktor nito ay nagtatayo ng irrigation proÂject sa 16,000 hektaryang lupain sa lugar kung saan ang P 6 bilyong proyekto ay inaasahang matatapos sa 2016 sa huÂling termino ni Pangulong Benigno S.Aquino III.
Ayon pa kay Bulao na posibleng marami pa ang nalagas sa hanay ng BIFF na pinamumunuan ni Kumander Kadi Karialan matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig noong Disyembre 31 sa Paidu Pulangi River dakong alas-8:30 ng gabi na natapos bago mag-alas -12:00 ng hatinggabi sa pagsalubong sa Bagong Taon na una nang ikinasugat ng isang miyembro ng Army’s 7th Infantry Battalion.