MANILA, Philippines - Sa mismong araw ng Pasko pumanaw si daÂting Quezon City Mayor Ismael “Mel†Mathay Jr., matapos na isugod sa ospital dahil sa atake sa puso kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, alas-9:00 ng umaga nang atakehin sa puso ang dating alkalde at naisugod pa sa Medical City sa Pasig ngunit idineklara na dead-on-arrival.
Si Mathay, 80 ay nagsilbing alkalde sa QC mula 1992 hanggang 2001.
Naging vice-governor din ito ng Metro Manila Commission na ngayon ay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na binuo ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Ngayong taon din ay kanyang pinakasalan ang matagal na niyang partner na si Vilma Valera.
Dadalhin ang kanyang labi sa The Christ the King Parish sa Green Meadows sa White Plains, Quezon City.