Pinoy sa Saudi posibleng mabitay sa 2014

MANILA, Philippines - Posibleng sa Enero ng 2014 ay matuloy ang pagbitay sa overseas Fi­lipino worker (OFW) na nasa death row sa Saudi Arabia na si Joselito Zapanta dahil sa kabiguan ng pamilya nito na maibigay ang hinihingi na P44 mil­yon ng pamil­ya ng napatay nitong Sudanese national na si Imam Ibrahim noong 2009 sa Riyadh, Saudi.

Nauna nang humi­ling ang pamilya ni Ibrahim ng 5 milyong Saudi riyal (SAR) ka­palit ng tanazul o affi­davit of forgiveness na napababa sa SAR 4 milyon dahil sa pagsu­sumikap ng Department of Foreign Affairs at Embahada ng Pi­lipinas sa Riyadh sa pakikipagtulungan ng Sudanese Embassy na masagip ang nasabing OFW.

Show comments