MANILA, Philippines - Kinondena ng isang grupo ng Senior Citizens ang dalawang nominado nila sa party-list na umaakto na bilang mga kongresista kahit hindi pa naipoproklama ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay dating Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (Fescap) president George Cabanal, nabatid nilang nag-oopisina na sa House of Representatives ang mga kinatawan ng Coalition of Association of Senior Citizens in the Philippines na sina dating Rep. Godofredo Arquiza Jr. at Francisco Datol Jr. kahit hindi pa sila opisyal na naipoproklama ng Comelec.
Nakumpirma na may “Solomonic decision†ang Comelec na iproklama sina Arquiza at Datol na kapwa first nominees ng magkahiwalay na paksiyon ng Senior Citizens Party-List ngunit hindi pa sila naipoproklama dahil may kasunduang dapat lagdaan ang dalawang kakatawan sa nakatatanda sa buong Pilipinas.
Idinagdag niya na gumagamit na rin ng plakang numero 8 sa kanilang sasakyan si Arquiza pati ang apat na anak nito gayundin si Datol kaya dapat na magpaliwanag ang dalawang kinatawan ng nakatatanda sa Comelec.
“Totoong bago nag-abroad ay ipinatawag ni Chairman Sixto Brillantes sina Arquiza at Datol nitong Disyembre 2, pinag-ayos para sila ang iproklama sa bakanteng puwesto sa Kongreso,†ani Cabanal.
“Pero bakit hindi pa nanunumpa ay kapwa nag-oopisina na sila sa Kongreso at nagkabit na ng numero 8 sa plaka ng kanilang mga sasakyan? Nagtatanong lamang po kami kay Brillantes kasi lumalabas na bogus ang aming mga kinatawan.â€