MANILA, Philippines - Nagpasa ng panibagong resolusyon ang Pasay City Council na nag-uutos na ituloy ang pagbibigay ng P54.5 bilyong kontrata sa reklamasyon sa Manila Bay sa SM Land Inc.
Kaya naman sinabi ni Konsehal Arvin Tolentino, minority floor leader at isa sa tumutol sa bagong resolusyon na posibleng maharap sa problemang legal ang Konseho dahil una na silang naglabas ng resolusyon na bumabawi sa pagbibigay ng kontrata sa SM Land Inc.
Sa en bacn session kahapon ng Pasay City Council, walong konsehal ang pumabor habang lima ang tumutol sa resolusyon para sa pagpapatuloy ng proyekto na ibinigay sa SM Land Inc. sa pamamagitan ng pinasok na Joint Venture Agreement (JVA) sa lokal na pamahalaan.
Matatandaan na dalawang linggo ang nakalilipas, nagpasa ng resolusyon din ang konseho na inaprubahan ng lahat ng mga Konsehal para bawiin ang kontrata dahil umano sa mga iregularidad sa proseso.
Sinabi ni Tolentino na dahil sa bagong resolusyon maaaring mapahaba pa ang proseso dahil sa posibleng pagsasampa ng kaso ng ibang stakeholders na may interes sa kontrata.
Pinaalalahanan din ni Tolentino ang mga kapwa konsehal na ang utos ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na ipinadala sa tanggapan ni Mayor Antonino Calixto na humingi ng legal na opinyon sa Department of Justice at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi naman ni Konsehal Richard Advincula na maaaring mag-isyu ng “ceast and desist order†ang PRA sa kontrata dahil sa pagpapatuloy nito kahit hindi pa nareresolba ang mga sinasabing iregularidad.
Ang resolusyon ay isa umanong paglabag sa ExeÂcutive Order 146 na nagbibigay ng kapangyarihan ng Pangulo sa National Economic and Development Authority (NEDA) para mag-apruba sa mga reclamation projects sa bansa.