MANILA, Philippines - Pinuri ni ABAKADA partylist Rep. Jonathan dela Cruz ang TRO na inilabas ng Korte Suprema laban sa maÂlakihang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco bilang pinakamagandang pamasko ng Kataastaasang Hukuman sa Sambayanang Pilipino.
Binigyang diin ni Dela Cruz na dahil sa TRO, magkakaroon ng mas mahabang panahon ang gobyerno, Kongreso, power sector at consumer groups para mas mapag-aralang mabuti ang lahat ng usapin at makapagbalangkas ng solusyon para maiwasan ang malakihang pagtaas ng halaga ng kuryente.
Muling binigyang-diin ni Dela Cruz ang kaniyang panawagan sa House Committee on Energy para sa isang malalim na imbestigasyon sa mismong Malampaya Project consortium, kabilang na ang mga major shareholders na Shell Exploration B. V. at Chevron dahil sa malakihang pagtaas ng singil sa kuryente.
Idinagdag pa ni Dela Cruz, obligado ang Malampaya consortium sa ilalim ng service agreement nito na ibigay ang fuel requirements ng mga natural gas fired power plants na San Lorenzo, Santa Rita at Kepco/Iligan na sama-samang nagbibigay ng kabuuang, 2,000 megawatts sa Luzon.
Pinuna ni Dela Cruz na noong magkaroon ng sabay-sabay na shutdown noong 2010, hindi tumaas ang singil sa kuryente.
“Kaya’t malinaw anya na ang malakihang pagtaas ng halaga ng kuryente dahil umano sa shutdown ng Malampaya at ilan pang power plants ay isang kaso ng “doble pasada†o “lagaring Haponâ€.