MANILA, Philippines - Isang malaking regalo ang ibinigay ng Supreme Courtsa publiko nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pagtaas ng singil ng kuryente ng Energy Regulatory Commission (ERC) at Manila Electric Company (Meralco).
Ito’y sa pagsaklolo na rin ng Korte Suprema sa pamamagitan ng inisyung resolusyon ni Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno kahapon na 60-days temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng power rate hike.
Si Sereno ang nag-isyu ng resolusyon sa rekomendasyon ng ponente ng kaso na si Associate Justice Marvic Leonen, kaugnay sa petisÂyong inihain ng Bagong AlyanÂsang Makabayan at National Association of
Electricity Consumers for Reforms (NASECORE).
Gayunman, ang TRO ay isusumite pa sa CourÂt en banc para sa kumpirmasyon at pagbabalik ng sesyon sa Enero 2014.
“Now, Therefore, effective immediately and for a period of 60 days, (1) respondent Energy Regulatory Commission, its agents, representatives, or persons acting in its place and stead, are hereby enjoined from implemenÂting its December 9, 2013 Order and acting further on the letter-request of Meralco dated December 5, 2013, and (2) respondent Meralco, its agents, representatives, or persons in its place and stead, are hereby Enjoined from increasing the rates it charges to its consumers based on the matters its raised in its
December 5, 2013 letter,†saad sa resolusyon ni Sereno.
Iniutos din nito ang pagsasagawa ng oral
arguments upang dinggin ang isyu sa Enero 21.
Inaatasan din ang ERC at Meralco na isumite ang kani-kanilang komento para sa magkakahiwalay na petisyon bago sumapit ang Enero 8, 2014.
Bukod pa rito ay inaatasan din ang mga respondent na personal na bigyan ng kopya ng kanilang komento ang mga petisyuner.
Una nang nagpetisyon ang ilang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso sa SC laban sa nasabing pagtataas.
Ikalawang petisyon kaugnay nito ang inihain sa SC ng NASECORE group na kumukuwestiyon sa P4.15/kilowatt hour poÂwer rate hike na sinasabing mararamdaman ng mga consumer dapat ngayong buwan.
Iginiit ng mga petisÂyuner na nalabag ang consumers right to due process dahil walang naging notice o hearing sa rate hike proposal ng Meralco at anumang advisory o publication sa mga pahayagan.