Siga pinabulagta

MANILA, Philippines - Bulagta ang sinasabing ‘siga’ at hindi na nagawang bumunot ng nakasukbit na baril nang paputukan ng ilang beses ng isang di pa kilalang lalaki, sa Tondo, Maynila. kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Manny Villanueva, may asawa, walang trabaho, sinasabing sangkot sa mga iligal na gawain at residente ng #1052, Gate 7, Area- A , Parola Compound.  Tondo. Bigo pang matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng  tumakas na suspek at motibo sa krimen dahil walang nais magsalita sa mga nakasaksing residente.

Sa ulat ni  PO3 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 5:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 19,  Parola Compoud,  Tondo.

Naglalakad ang biktima habang may nakasukbit na baril sa kanyang beywang nang harangin umano ng suspek at malapitang barilin sa noo, katawan at likod.

Nang bumulagta, saka lamang sumaklolo na ihatid sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  (GABMMC) ang biktima ng mga nakaistambay su­balit idineklarang dead on arrival.

Show comments