MANILA, Philippines -Bumuo ang pamahalaan ng isang special joint task force na kinabibilangan ng 7 miyembro mula sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang alegasyon ni Sen. MiÂriam Defensor Santiago laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na kinasasangkutan ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Sa ilalim ng department order number 994 na nilagdaan ni Justice Secretary Sec. Leila de Lima, itinalaga nito bilang chairman ng task force si Justice Undersec. Jose Justiniano kasama ang mga miyembrong sina Assistant State ProÂsecutor Niven Canlapan, Asst. State Prosecutor Nolibien Quiambao, State Counsel IV Adonis Sulit, State Counsel I Charles Romulus, at sina Atty. JonaÂthan Mengullo at Atty. Catherine Camposano na kapwa galing ng NBI-Anti Graft Division.
Kaugnay nito, inatasan ni De Lima ang grupo na imbestigahan ang umano’y mga iligal na gawain ni Enrile lalo na ang sinasabing illegal importation o smugÂÂgling ng mga sasakyan sa CEZA.
Kabilang na rin ang usap-usapang pakikipagÂsabwatan nito kay Cagayan Economic Zone Authority AdmiÂnistrator Jose Mari-Ponce at James Kocher na manugang ng senador at nagpapatakbo raw ng automobile importing operation.
Hindi rin lusot sa imbestigasyon ang illegal gambling sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport, ang illegal logging sa pamamagitan ng San Jose Lumber na nagpaso ang lisensya noong 2007, pagsusumite ng palsipikadong statement of assets, liabilities and networth (SALN) at ang iba pang mga kahalintulad na criminal offenses.
Pinahihintulutan din ang task force na mag-evaluate sa mga nakalap na ebidensya at magrekomenda sa legal actions at imbestigasyon ng anti money laundering council (AMLC).